Wednesday, December 31, 2008
Last of "you" for Today Part IV
"tignan mo ang sarili mo, dapat sa edad mong iyan may sarili kang pamilya, may asawa, mga anak, masayang family portrait. Ngunit hindi ko naibigay iyon sa iyo"
"Ngunit hindi naman iyon ang hinihingi ko eh, lumaki ako na hindi nakatingin sa aking papupuntahan, nakatutok ako sa daan na aking tinatahak, ayokong madapa, ayokong iyakan ang bagay na inaasahan kong dumating ngunit hindi napasaakin."
"Makinig ka, nararamdaman ko na pahina na ng pahina ang aking katawan, tingin ko hanggang dito nalang ako, pagnawala ako, gusto ko humanap ka ng iba, ng totoong magpapasaya sa iyo, bibigyan ka ng magandang kinabukasan, makukulit na mga anak..."
Hindi pa man sya tapos magsalita ay pinutol ko na ang kanyang sinasabi.
"Pwede ba? wag kang magsalita ng ganyan, kung mamamatay ka ngayon, uunahan na kita, tatalon ako sa bintana. Ang tagal na nating magkasama, nasanay na ako na kasama ka, kung mawawala ka, para akong mawawlan ng kamay, ng paa, parang mawawalan ako ng hangin na ihihinga. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin pag nawala ka."
"Kaya mo yan, ikaw pa." sabay ngiti.
Napatalikod nalang ako habang umiiyak. Nasigawan ko tuloy siya "Uminon ka magisa ng gamot mo!!" Sabay takbo sa kusina.
Ilang sandali lang ay tumahimik ang paligid, sa oras na iyon naramdaman ko na bumitaw na nga siya, iniwan na nya ako. Iniwan na ako ng makasarili kong kasintahan.
Ngayon nagiisa na ako, edad trenta, di ko alam kung ano na ang susunod na kabanata para sa aking buhay, marahil magsisimula ulit ako. Isipin nalang natin na ako ay isang estudyante sa kolehiyo na kakatapos ng ng aking kurso. Ayun, sa ganoon ako maguumpisa.
Una ay babalik ako sa aming probinsya, bibisitahin ko ang aking magulang, sampung taon ko rin silang hindi nakita. Sampung taon silang walang balita sa akin, baka ang akala na nga nila ay patay na ako, alam ko magugulat sila. Hindi rin nila alam ang tungkol sa nangyari sa akin, ang pakikipag relasyon ko sa kapwa ko lalake, ito na ang panahon para magtapat sa kanila, matanda na ako at may sapat na lakas ng loob para sabihin ang mga bagay na ito sa kanila. Iki-kwento ko sa kanila ang lahat tungkol kay Joseph, mga napagdaanan naming dalwa, mga natutunan ko sa kanya, lahat ng detalye tungkol sa kanya.
At kung sakali man na ako ay mag-aasawa at magkakaroon ng anak, hindi ako mag aatubiling ipangalan sya sa isa sa aking magiging anak na lalake.
Dahil kelan man hindi ko sya makakalimutan.
No "You" for Tomorrow Part III: Signs of Conclusion
Tumanda sya at lalong humina, mabuti nalang at may kakilala kaming marunong sa medisina, sa kanya ako nagtatanong ng mga gamot na ipapainom sa kanya, naging full time ang pag-aalaga ko sa kanya, sa partner ko. Nagpaalam muna ako sa trabaho ko, sinabi ko na magbabaksyon muna ako, nagpaalam ako ng isang buwan, ngunit inabot ng tatlong buwan ang leave ko. Sa unang buwan na wala ako sa aking opisina, panay ang tawag ng mga tao sa akin, tinatanong kung kelan daw ba ang aking balik.Pero lalong lumalala ang kalagayan ng pasyente ko, lalong hindi ko sya pwedeng iwan.
Isang araw gumising sya, nakahanda na ang kanyang almusal at gamot na iinumin, bago ko pa maisubo ang kanyang pagkain, napansin ko lumuluha ang kanyang mga mata. Nagtanong ako kung bakit sya umiiyak.Hindi sya nakasagot, hindi ko na pinansin iyon, mas mahalaga na mapuno ng lakas ang katawan nya ng pagkain kesa sa manghina sya kakaiyak. Tinuloy ko ang pagpapakain sa kanya.
Sa wakas nagsalita rin sya, hindi nya daw makaya na makita ang sitwasyon ko, pagod, puyat, payat. Hindi na daw ako pogi, kahit mahina na siya napapatawa parin ako ng matandang ito. Ipinaliwanag ko sa kanya katulad ng palagi kong sinasabi na hindi nya kailangan na maawa sa akin, pinili ko na gawin ito. Hindi ito labag sa aking kalooban, lahat ng iyon dahil sa pagmamahal ko sa kanya.
Sa sandaling iyon, saka ko lang napagtanto, Mahal ko nga talaga ang taong ito. Nakakainis kasi pati ako nakiiyak sa kanya.
No "You" for Tomorrow Part II:Following Destiny
Mula pa nang maging magkakilala kami, nabangit na nya ang kanyang aksidente sa daan, dahilan para mabali ang kanyang buto sa hita, nakakalakad pa naman sya, hirap nga lang. Akala ko maayos ang kanyang naging operasyon sa ibang bansa, akala din niya. Naayos ang kanyan nabaling buto, pero nagka komplikasyon naman sya sa ibang parte ng kanyang katawan.
Alam ko na may nararamdaman sya, ayaw nya lang ipaalam sa akin, o kung kanino man. Hindi ko alam kung bakit, maaring ayaw nya na mag-alala ako para sa kanya. Maari din na natatapakan ang Pride nya sa tuwing tinutulungan ko sya sa mga ginagawa nya. Ayaw nya na magmukhang inutil sya sa aking paningin, naiintindihan ko sya, pero hindi lingid sa akin na nahihirapan sya.
Mula sa pag akyat-baba sa hagdan, magbihis, kahit sa pagligo. Minsan nagbiro ako, "Pwede na pala ako mag care giver". Tingin ko hindi nya nagustuhan ang sinabi ko. Pero matagal na iyon, hindi ko na inulit.
Tumagal ng sampung taon ang pagsasama namin, minsan gusto ko itanong sa kanya kung sawa na ba sya sa akin, sa kakulitan ko, sa pagiging clumsy ko. Tingin ko oo, pero ako hindi kelan man nagsawa sa kanya. Parang naging pang araw-araw ko na, na responsibilidad na pagsilbihan sya, ayokong isipin na parang trapped ako sa kanya, wala akong magagawa kundi tulungan sya. Kung ang ibang tao siguro iiwan nalang sya bigla. Pero hindi ako, pinili ko sya na makasama, kaya makaka-asa sya na palagi akong andito sa likuran nya.
No "You" for Tomorrow Part I: We met...
Nakilala ko sya ng hindi inaasahan, bigla na lang syang dumating sa buhay ko, hindi ko inakala, pinangarap, o kung anu man. Hinayaan ko lang, bakit hindi ko sya subukan, baka sya na ang sagot sa sakit ng pagiisa ko.
Bente anyos na ako ngayon, doblehin mo ang edad ko yun ang kanyang gulang.Malayo, masyadong malayo, nagmumukha na akong anak niya pag magkasama kami. Hindi ko nakikitang hadlang iyon para sa aming pagsasama. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba, ganon naman ako eh, nakatira sa sarili kong mundo, kung sino man ang nagtangkang sumilip dito, hindi ko na kailangan na sabihin, pero kailangan mong tanggapin at yakapin ang kung ano man ang makikita mo.
Maayos naman ang aming naging pagsasama. Sa mga nagdaang taon, mas lalo ko syang nakikilala, lalo ko syang minahal. Hindi sya ung tipo ng tao na nakikita mo sa iyong panaghinip, walang espesyal sa kanya para sa ibang tao. Palibhasa matanda na, madami na syang nirereklamo sa buhay, mula sa ekonomiya ng bansa, polusyon sa kalsada, paggising sa umaga dahil sa ingay ng kapitbahay, hindi masarap na pagkain, biglang pagtigil ng mga sasakyan sa gitna ng daan, at marami pang iba. Nasasanay na rin ako sa kanya, ako nalang ang umiintindi, minsan kaya ko nang hulaan na iinit na naman ang kanyang ulo, napapa-iling nalang ako habang nakangiti. Alam ko narin ang paraan para mapahinahon sya, isang hagod lang sa kanyang malapad na likuran, alam na nya na inaamo ko sya. Buti naman at sumusunod parin sya saakin, kabaligtaran ko sya pagdating sa mga ganyang bagay, ayoko ng argumento, mahilig sya sa away, na kabaligtaran naman namin sa mga kaibigan. Mahilig ako makipag palitan ng idea sa aking mga maalapit na kakilala, hanggat alam ko na tama ako, hindi ako papatalo. Bubulungan nya nalang ako, "wala ka nang maisasagot dyan, tingin ko mas tama sya". Ngingitian ko nalang sya at titigil, sabay ng panunukso ng aking mga kausap, na sa wakas natigil narin ang aking pakikipag argumento.
Hindi ko alam kung anong tawag sa samahan namin, mag-asawa, magkapatid, matalik na magkaibigan, o simpleng partnership lang. Ayoko narin magsayang pa ng oras para isipin iyon, basta ang alam ko matagal na kaming magkasama.
Monday, November 10, 2008
Bilog ang Blog part II: Ang kwento ng Ubas
Natapos ang araw ng makita ko ang aking sarili sa tabing dagat,
Tahimik at malalim ang iniisip. Hindi ko mabitawan ang mga tanong sa aking isipan.
Nakita ako ng isang matanda na madalas napapasyal sa lugar na iyon.
Maganda ang tanawin dito sa tabing dagat, kung pagmamasdan mo ang paglubog ng araw sa tubig, nakakaluwag ito ng dib-dib. Lalo na sa mga bumibisita dito na may baong problema
Hindi ako nagsalita at sinagot siya ng isang bugtong hininga.
Lumapit sya sa akin at umupo sa aking tabi.
Alam ko may dinaramdam ka, hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo ang sistma ng mundo, para sa iyo at sa atin.
Bago pa man siya ulit nagsalita, naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking balikat.
Sa isang Prutasan, ang mga prutas ay nabubukod ayon sa kanilang uri.
Magkahiwalay ang Mansanas sa Ubas, Gayun narin ang iba pang prutas.
Isipin mo nalang, isa kang ubas. At ang iba ay mansanas,
Mayroon kang lugar na kung saan ka dapat nakalugar.
Isang kumpol ng Ubas at isang kumpol ng Mansanas.
Parehong masarap, pero kahit saang angulo mo tignan, Ubas ka parin.
Wala kang dapat kaingitan dahil balanse ang lahat ng bagay.
Bilog ang Mundo, Lahat ng tao nakakakita ng araw,
Lahat nakakaramdam ng Dilim.
Hindi mo kailangang maingit sa mansanas dahil pareho lang kayong Prutas.
Past is Fast
Hindi na maramdaman ang kanyang hangin.
Sandali lang Bumiling ang paningin,
Hindi ko na maaninag ang kanyang anino.
Biglang naglaho, Biglang nagsawa.
Walang rason, naiwan ay ang mga tanong.
Habang inaalala ang kahapon.
Sandaling tumigil ang mundo ko, akala ko hindi na ito magbabago.
Sabihin ko mang hindi na, sabihin ko man na ayaw ko na,
Itago ko man, hindi ko maikakaila.
Ikaw parin ang mahal.
Sa isang tawag mo lang, babalik at babalik parin,
Ang aking pagmamahal para sa iyo.
Tama ba ako?
Sandali lang Bumiling ang paningin,
Hindi ko na maaninag ang kanyang anino.
Biglang naglaho, Biglang nagsawa.
Walang rason, naiwan ay ang mga tanong.
Habang inaalala ang kahapon.
Sandaling tumigil ang mundo ko, akala ko hindi na ito magbabago.
Sabihin ko mang hindi na, sabihin ko man na ayaw ko na,
Itago ko man, hindi ko maikakaila.
Ikaw parin ang mahal.
Sa isang tawag mo lang, babalik at babalik parin,
Ang aking pagmamahal para sa iyo.
Tama ba ako?
Bilog ang Blog part I: Mareklamong Indibidwal
Kailan ba ako magsasawa kakareklamo tungkol s aking buhay?
Pareho lang naman tayong anak ng diyos.
Pero bakit ganun? Parang ako lagi ang Talo?
Ako lagi ang Huli? Ako lagi ang Naiingit?
Hindi ko maintindihan,
Hindi ko makita, kung ano pa ba ang kulang o mali sa akin,
Sabihin nyo na, kasi malapit na akong sumuko.
Oo, maniwala kayo, malapit na.
Hindi kaya pinipilit ko lang ang sarili ko sa isang bagay na hindi akin?
Ngayon alam ko na,
Ito ay kaso ng isang malaking pagkaingit.
Anong Magagawa ko?
Wednesday, October 1, 2008
Kasalanan ba na Kausapin ko sarili ko?
Alam ko mali ako, Hindi ko naman sinasadya eh, wala naman sariling utak ang puso.
Wala din namang sariling Puso ang Utak, Hindi mo ako pwedeng sisihin para dito.
Kusa ko lang naramdaman yun, wala akong kakayahan para pigilin ang aking nararamdaman.
Ang tangi kong magagawa ay itago ito, pero pumalya parin ako.
Ngayun alam mo na, kung ano ang nararamdaman ko para sayo,
Maari ko bang malaman ang reaksyon mo?
Hindi ako magagalit sa ano mang sasabihin mo saakin, dahil alam ko na wala akong karapatan.
Gusto ko lang malinaw para sa akin kung ano ako sa iyo.
At ito ang Pagpapaumanhin ko,
Alam ko mali ako, Mali itong nararamdaman ko.
Wala naman akong balak mangulo eh, alam ko masaya ka sa kanya.
Sa ganun din ako magiging masaya para sayo.
Sya nga pala baka di mo muna ako makita, aalis kasi ako eh
Bibigyan kita ng oras para pagisipan ang mga bagay na ito,
Meron din akong kelangan na hanapin. Alam mo na iyon, di ko na dapat uluitin.
Sabi mo nga diba... Bilisan ko at baka di ko maabutan (hehe)
Sunday, September 7, 2008
Just for a thought
Kung ang mundo man ay matatapos bukas,
At ngayon ang araw ng paghuhusga.
Kung tatanungin ako ng panginoon kung anong ginawa ko sa aking buhay sa lupa,
Sasabihin ko na nabuhay ako kasama ka.
Sakali mang ako ay maligaw sa magulong mundong ito,
At aking nararamdaman ang pangangailangan na makapiling ka,
Ipipikit ko ang aking mata, hahayaan na ang puso ang magturo ng daan,
Dahil alam ko na sa'yo ang tahanan na aking uuwian.
At kahit na dumaan ang mga araw sa atin,
Sabay tayong tatanda kasama ng panahon.
Sa ating mga mata, mananatili tayong bata at masigla.
Sakali mang ikaw ay maiwang nagiisa at nilalamig sa ulan,
Alam mong hindi ko kayang alisin ang unos ng iyong mga problema.
Ngunit, asahan mo na ako ay yayakap sa'yo,
Sasamahan ka hanggang sa muling pagsikat ng araw sa iyo.
Kung ikaw man ay nasaktan at natatakot nang muling umibig,
Isipin mo man na ang buong mundo ay hindi nakakaintindi sa'yo.
Gusto ko lang malaman mo, andito lang ako handang makisalo sa sakit na nararamdaman mo.
Tuesday, August 26, 2008
Bagong Bunga
May nakikita akong bagong pag-asa para sa akin.
Sa aking Trabaho,
Sa aking Pag-ibig,
At sa aking Pagbabago.
Natatanaw ko na ang bunga,
Wala lang akong makitang sanga para ito ay makuha.
Walang kasiguraduhan, kung hinog o bulok na ito.
Ngunit tataya ako, ito lang ang aking nakikitang paraan.
Hindi maiwasang abangan na kusang mahulog ito para sa akin.
Alam kong mali, ngunit hindi ko alam kung paano tutulungan ang sarili.
Hindi ako mawawalan ng pag-asa,
Dahil alam ko na may isang tao na mag-aabot sa akin akin ng sanga,
Iaalok ang kanyang mga balikat,
Na aking matutungtungan upang maabot ang aking bunga.
Frozen Will
Mula sa aking pagkaratay sa aking malamig na higaan,
Unti-unti kong nararamdaman ang panghihina ng aking katawan.
Ito na ang gabi, ilang sandali nalang at ako'y bibitiw na sa mundo.
Iiwan na ang aking may sakit na katawan,
Tuluyan nang magpapahinga ng habambuhay.
Sa aking paghihintay, nilingon ko ang aking nakaraan.
Muling binuhay ang mga ala-ala, aking mga masasaya at malulungkot na karanasan,
Mga tagumpay at pagkabigo. Akin itong binalikan.
Napatanong ako sa aking sarili. Namuhayba ako ng isang buhay na may halaga?
Kung ako man ay mawawala, maalala ba ako ng mundong ito?
Kasabay ng maingay na pagpatak ng ulan sa bubungan,
Pumatak ang luha ng kalungkutan sa aking unan.
Natatakot ako na lumisan ng walang naipapamana sa mundo.
Nangangamba ako na malaman na ako'y namuhay sa wala.
Sa aking pangangamba, nalimutan ko ang isang simpleng bagay na papanatag sa aking kalooban.
Napalingon ako sa aking tabi at nakita ang isang larawan. bigla kong naalala,
Na minsan sa buhay ko, nakilala kita.
Ang aking mga luha ay napalitan ng luha ng kaligayahan.
Dahil alam ko na dahil sayo, ang buhay ko ay may halaga.
Friday, August 22, 2008
Pagbangon...
Gusto kong bumalik, gustong muli na mabuhay sa mundo ko.
Muling itong paikutin, muli itong bigyan ng kulay.
Magsimula sa mga bagay na meron ako ngayon,
Pagyamanin ang aking natitirang biyaya.
Gusto kong bumangon, tumayo muli sa tuyong lupa.
Mabigyan ng bagong lakas.
Maintindihan ang aking paghihirap.
Gamitin sa positibong pag-iisip.
Gusto kong mamulat, makita ang aking mga mali.
Matuto mula sa mga mali na iyon.
Hindi ko sila kakalimutan,
Bagkus gagawin ko silang mga aral.
Gusto kong manalig muli, itaas ang aking kamay ng malaya.
Huminga ng malalim at isigaw sa mundo ang aking mga pangarap.
Huminga sa hangin na sariling akin.
Hayaang makita ang bukas na nakaabang sa akin.
Gusto kong lumipad, malayong malayo sa lugar na aking kinalagyan.
Humanap ng lugar upang ipahinga ang aking mga sugat.
Mga sugat na maghihilom ngunit magiiwan ng ala-ala.
Akin itong lilingunin, ngunit iiwasang ulitin.
Gusto kong mahimlay, tahimik ang isipan.
Panatag na na-i-ayos ko na ang mga bagay na minsan nagdulot ng aking pagbagsak.
Minsan sa aking buhay ako ay nakitaan ng kahinaan,
Ngunit andito ako ngayon, nakatingala sa mundo.
Handa nang magpahinga mula sa malayo at nakakapagod kong paglalakbay.
Muling itong paikutin, muli itong bigyan ng kulay.
Magsimula sa mga bagay na meron ako ngayon,
Pagyamanin ang aking natitirang biyaya.
Gusto kong bumangon, tumayo muli sa tuyong lupa.
Mabigyan ng bagong lakas.
Maintindihan ang aking paghihirap.
Gamitin sa positibong pag-iisip.
Gusto kong mamulat, makita ang aking mga mali.
Matuto mula sa mga mali na iyon.
Hindi ko sila kakalimutan,
Bagkus gagawin ko silang mga aral.
Gusto kong manalig muli, itaas ang aking kamay ng malaya.
Huminga ng malalim at isigaw sa mundo ang aking mga pangarap.
Huminga sa hangin na sariling akin.
Hayaang makita ang bukas na nakaabang sa akin.
Gusto kong lumipad, malayong malayo sa lugar na aking kinalagyan.
Humanap ng lugar upang ipahinga ang aking mga sugat.
Mga sugat na maghihilom ngunit magiiwan ng ala-ala.
Akin itong lilingunin, ngunit iiwasang ulitin.
Gusto kong mahimlay, tahimik ang isipan.
Panatag na na-i-ayos ko na ang mga bagay na minsan nagdulot ng aking pagbagsak.
Minsan sa aking buhay ako ay nakitaan ng kahinaan,
Ngunit andito ako ngayon, nakatingala sa mundo.
Handa nang magpahinga mula sa malayo at nakakapagod kong paglalakbay.
Sa aking Pag-gising
Sa aking pag-gising,
Nagbabago ang aking mundo.
Nawawala ang mga bango ng bulaklak,
Aalingasaw ang usok ng siyudad.
Tatahimik ang mga pipit sa aking paligid,
Magigising sa ingay ng mga sasakyan.
Kukupas ang kulay g bahaghari,
Mamumulat sa lumang pintura ng ding-ding sa aking silid.
Kasabay ng kanilang paglisan,
Magkakalas ang ating mga kamay mula sa pagkahawak sa isat-isa.
Muli, magdidilim ang iyong mukha,
Kasabay ng pagiwanag ng bagong umaga.
Ngunit hindi ako malulungkot.
Sapagkat alam ko na magbabalik ka sa akin,
Sa pagyakap ng dilim.
Bakuran
Natagpuan ko ang pag-ibig,
Ngunit hindi ako tiyak kung ito ang hanap ko.
Natagpuan ko ang pagmamahal,
Ngunit hindi ko alam kung magiging totoo ito sa akin.
Natagpuan ko ang pagkalinga,
Ngunit natatakot ako na masaktan pa ng iba.
Natagpuan ko ang mga ala-ala,
Na akin nang ikinahon para sa bagong umaga.
Natagpuan ko siya,
Walang kaalam-alam sa aking mga nararamdaman.
Natagpuan ko ang aking puso,
Napupuno ng pag-asa at galak.
Natagpuan ko ang aking sarili,
Nagising na sa aking panaginip.
Eto ako ngayon,
Nagiisa, Ngunit masaya.
Masaya sa pagpapanggap na akoy ay iibigin mo pa.
Saturday, August 9, 2008
Its the Feeling
Nabuhay na muli ang aking pagtingin sa kanya.
Hindi man sinasadya,muling dumaloy ang mga luha,
Dala-dala ang mga nakaraan.
Naalalala ko minsan sinabi ko ayoko na.
Pero heto na naman ako, umiibig na naamn sa iyo.
Hindi rin madali na kalimutan ka,
Ginawa ko naman ang lahat ng aking makakaya,
Ngunit ikaw lang talaga ang aking nakikita.
Mula ng umalis ka, nagiwan ka ng malaking puwang sa aking puso.
At alam kong ikaw lang ang makakapuno.
Ano man ang sabihin ng iba,
Hindi ito makakapagbago ng nararamdaman ko para sa iyo.
Tingin ko wala na akong magagawa,
Ikaw lang talaga ang mahal ko.
Kahit ano pa ang mangyari sa atin,
Hindi ka mawawalan ng lugar dito sa aking puso.
Wednesday, July 30, 2008
Akala ko...
Akala ko ayos lang ako,
Akala ko tama ung ginagwa ko,
Akala ko walang nasasaktan sa mga sinabi ko,
Akala ko pwede kitang mahalin.
Hindi ko nakita ang katotohanan,
Nabulag ako ng kinang mo.
Hindi ko pinansin ang sinasabi nila,
Nabingi ako ng mga pangako mo.
Hindi ko naramdaman ang ibang mga tao,
Sayo ko lang pinaikot mundo ko.
Hindi ako nagtiwala sa iba,
Sa iyo ko lang binulong ang mga pangarap ko.
Ngayon, nakita ko ang mali ko...
Umasa pa kasi, umasa sa wala.
Sumunod pa kasi, sa daan na walang patutunguhan.
Nakinig pa kasi, sa salita na walang kasiguraduhan.
Umibig pa kasi, sa taong hindi naging totoo sayo.
Alam kong hindi mo sinasadya,
Pero sana naisip mo na umaasa ako.
Alam kong hindi mo gusto ito,
Kaya hanggang ngayon ito parin ang masasabi ko...
Mahal parin kita. :(
Friday, June 20, 2008
This is We, (before)
Madaling araw na ako nakauwi galing labas,
Kasama ko ung matalik kong kaibigan, nagpaikot-ikot sa lansangan.
May pasok pa ako, pano na yan?
Higa na ako kelangan matulog kahit konting oras.
Sa aking paghiga may narinig akong nagsalita,
Inisip kung sino, napagalamang sa loob ng silid ito nanggagaling,
Boses Ni kiks, naalala ko sa kanya yung boses na yon.
Matagal tagal ko na rin di naririnig ung boses nya.
Weird, kasi magkasama kami sa bahay pero matagal kong hindi narinig boses nya
Hindi ko rin kasi pwedeng pigilan na marinig iyon,
Nabubuo sa isipan ko kung ano ung rection ng kanyang mukha habang nagsasalita,
Nakangiti, Singkit ang mata at nakatawa, ang tagal kong hindi nakita si kiks na ganyan.
Antagal ko nang hindi naririnig ung mga kataga nya na "kamusta?", "kumain ka na ba?"
ung pangungulit nya na "o kamusta boss mo?" nakakatuwa isipin, nakakatuwa alalahanin.
Ngunit nakakalungkot na hanggang ala-ala na lang yun,
Wag sana
Hindi ko alam kung bakit kami nagkaganito, kung bakit biglang may nawala sa amin.
Patuloy akong nagiisip kung ano nga bang nangyari?
Kung ano ba ang problema? kasi kung malaman ko, gagawin ko ang lahat para maayos ito.
Hindi ako manghuhula, paano ko malalaman kung walang gustong magsalita?
Alam mo ba ung pakiramdam na nagtatanong ka sa sarili mo?
Pero paano mo masasagot, kung wala kang alam sa detalye ng tanong mo?
Gusto mo syang tanungin, ngunit pinigilan mo ang iyong sarili, ayaw mong lumaki ang gulo.
Hanggang kelan ka magiging ganito?
(naalala ko minsan tinawag ko syang anghel)
Friday, May 23, 2008
Wish
Birthday ko nung nakaraang linggo May 17 2008,
Tinanong nila ako kung ano ang aking wish sa aking kaarawan,
World Peace?? Hinde.
Napabulong nalang ako,
Gusto kong tumugil mun ang mundo sa pagikot.
Kahit sandali lang, Sandaling pagpahinga lang ang kailangan ko.
Hayaan nyo akong makahabol, ayokong maiwan dito.
Maiwan na nagiisa, maiwan na walang matitira saakin.
Kahit sandali... maramdaman kong kaisap ako sa mundong ito.
Tinanong nila ako kung ano ang aking wish sa aking kaarawan,
World Peace?? Hinde.
Napabulong nalang ako,
Gusto kong tumugil mun ang mundo sa pagikot.
Kahit sandali lang, Sandaling pagpahinga lang ang kailangan ko.
Hayaan nyo akong makahabol, ayokong maiwan dito.
Maiwan na nagiisa, maiwan na walang matitira saakin.
Kahit sandali... maramdaman kong kaisap ako sa mundong ito.
Wednesday, May 14, 2008
Tindahan
Mga Litrato na ako mismo ang kumuha sa isang tindahan ng damit.
(Clue:Bench)
Choco Couch
Domino Effect
(Untitled)
Busy Shopping
Shinign Hours
Linear
Salamat sa Camera ng Boss ko :D
(Clue:Bench)
Choco Couch
Domino Effect
Busy Shopping
Shinign Hours
Ceiling Platters
Linear
Salamat sa Camera ng Boss ko :D
Tuesday, May 13, 2008
Triangulared
Kilalanin si Manhid, Engot at Tanga...
Si Manhid ay isang normal na tao, may emosyon para magmahal.
Meron din syang emosyon para manakit ng damdamin.
Si Engot ay taong nagmamahal sa kanya.
Masaya si Engot sa Piling ni Manhid, kahit minsan nasasaktan na si Engot ayaw parin nyang bumitiw kay Manhid.
Nakikita ni Tanga ang kaawa-awang sitwasyon ni Engot,
Gusto nyang tulugan ito, dahil sa kanyang puso, nandoon si Engot naninirahan.
Mahal nya si Engot ng palihim, ayaw nyang ipaalam ang kanyang nararamdaman.
Ayaw nyang masira ang relasyon nila ni Manhid bilang magkaibigan.
Alam din ni Tanga na kay Manhid lamang liligaya si Engot.
Binaliwala nya ang kanyang nararamdaman.
Pinagmamasdan nya ang kanyang mahal na paulit-ulit nasasaktan.
Ang tangi nya lang magagawa ay damayan sya sa katauhan ng isang kaibigan.
Mahal ni Tanga si Engot ngunit iba ang mahal ni Engot,
Tama bang ipaalam ni Tanga ang kanyang nararamdaman,
Upang maibsan ang kanyang nararamdamang kahirapan?
Malaman man lang ni Engot na ito na may nagmamahal sa kanya higit pa sa kanyang inaakala.
Hanggang kelan magiging Tanga si Tanga para ilihim ang kanyang nararamdaman?
Hanggang kelan magiging Engot si Engot para patuloy na hayaang masaktan ang sarili?
Hanggang kelan magiging Manhid si Manhid para hindi mapansin ang kanyang mga pagkakamali?
Hanggang kelan natin makikita ang pagibig na namamatay sa ating harapan?
Monday, May 12, 2008
The Crimson Guest
Nakagat ka na ba ng Bampira?
Masakit noh? Nagiiwan ng marka.
Eto ung saakin kakaiba.
Masakit ang kagad, pero may side effects.
Hindi dugo ang nahihigop.
Kundi katinuan mo.
Sisipsipin, linger lickin good!!
Tapos iiwan ka nyang nakatiwangwang,
Nagtatanong kung ano bang nangyari?
Inabot mo ang Ballpen,
Pakiramdam mo gusto mo na sa kanya ito isaksak
Wag!! Pinigilan mo ang iyong sarili.
Intindihin mo ang kanyang kalungkot lungkot na kalagayan.
Wag mo nalang patulan, magmumukha ka lang din Bampira.
Umiwas ka sa tukso,lumayo ka na baka mapasigaw ka lang...
PAPATAY AKO NG TAO!! PAPATAY AKO NG TAO!!
yan ang aking kliyente... Bow!
Sunday, May 11, 2008
Msrp bng mglkd ng pbliktd?
ngllkd k b ng pbliktd?
ako ayoko ko gwin peo mukhng gingwa ko n.
kung sino mn ang andyn b2kn nyo nga ako.
pra mtuhn nmn i2ng tnga-tngang puso...
Sna ung bum2k mrunong din mgpb2k.
mrunong 2mwa @ mpgtwnn.
gnyn lng kc ang buhy mga prekoy.
step & be learned 2 b steped.
gno nga b ka-engot ang puso pgdting s pgmmhl?
twgin nyo nng OA peo gnyan tlga pg tinmaan k tlga,
ansrp, peo mskit. ewww emo mode b ako ngyun?
wla eh, wla tyung mggwa.
i remeber minsn sinbi ng frend ko:
"pg pingplit k s pngit, nku get over it mhl nya un"
ntwa lng ako, ako pgpplit s pngit, haha!!
ampngit ko n nga nghnp p ng mspngit sken
naisip ko, kung pngit n ako tpos nghnp p ng ms pngit...
ano itsura nun? O_O
peo diba? khit anong gwin nyng pgsskit ng inyong dmdmin,
andyn k prin nkhndng umko ng anu png skit...
ewww, mrtyr nyebera is dat u?
ayoko ng gnun, dyosko wag po!!
well di ko miiwsn ng fate...(sinong fate?)
nngyyri n sya sken :(
deym, Emo mode nga ako ngyun...
so... di ko alm kung pno mttpos ang post kong ito.
ksby kung pno mttpos ang paghi2nty @ pghi2rp ko.
"What did i do to deserve?
What did i do to deserve?"
Saturday, April 19, 2008
Waiting for the Comeback
Matagal na akong di naka lapat ng mga salita dito ah.
Busy sa trabaho eh, Ilang araw nang walang Internet sa Opisina.
Isang araw may nagpadala saakin ng isang Blog Adress,
Di ko pinansin kasi sumilip lang ako sa Internet nun.
Nagyon ko lang binuksan, Blog pala ng Bestfriend ko.
Hindi ko alam kung anong nangyayari habang binabasa ung mga Gawa nya.
Parang ulan na bumuhos ang luha ko.
Matagal tagal na rin akong hindi umiiyak, matagal nang hindi nalilinis ung mata ko.
Hindi ko nga nagawa yun nugn nabigo ako sa pag-ibig eh. Sabi ko dati malakas ako, matatag, hindi para saakin ag pagiyak,
Hindi ko lang maipaliwanag ang nangyari nung panahong iyon.
Miss ko na sya.
Unang gabi pa lang ng kanyang pagkawala, alam ko na, may kulang sa bahay.
Tumahimik ng konti, pero lumamig ang paligid.
Nabawasan ang aking mga ngiti.
Inaalala ung mga panahon na magkasama kami. May mga bagay na kami lang ang nagkakaintindihan.
Masayang masaya kami nagkukulitan, kwentuhan ng hanggang madaling araw.
Tapos pilit kong gigisingin para pumasok sa Trabaho.
Naalala ko pa nagdala sya ng isang tabo ng tubig sa higaan, Binabasa nya ako para magising.
Ngayon, nasaan sya?
May konting hindi pagkakaunawaan, siya ay lumayo, hindi ko sya makausap, nahihiya ako.
Nahihiya ako kasi hindi ko malunasan ang aming problema
Nattakot ako na baka magiba na ang kanyang nararamdaman para saakin.
Pero may kung ano na nagsasabi na "Hindi nya ako lilimutin o pababayaan".
Alam ko konting panahon lang ang kailangan ko.
Para mapaghandaan ang kanyang pagbabalik, Kausapin at makipagtawanan ulit sa mga aming mga kwento
Aking Matalik na kaibigan, Maghihintay ako sa Pagbabalik mo :D
Tuesday, March 11, 2008
I shouldn't stay & showed what I mean
Laging nakatingin sa kanya, tinitigigan ang lahat ng detayle sa kanyang mukha.
Binubuhay sya sa aking isip, binubuo sya sa aking panaghinip.
Nangangarap na mahal nya rin ako.
Kahit sa aking sarili lang.
Ako lang ang nakakaalam.
Padating ng kalungkutan, aalalahanin ang kanyang mga ngiti.
Maiidlip sa kanyang mga salita na paulit-ulit kong naririnig.
Habang kapiling sya, Mundo ko ay nagbabago.
Mas madaling Himinga, mas makulay ang bahaghari, mas malamig ang mga ilog, mas matingkad ang araw, at mas masaya dahil kapiling ko sya.
Ngunit hindi araw-araw, oras-oras nananaghinip ako.
Kailangan ding mabuhay sa mundong aking ginagalawan.
Harapin ang katotohanan na siya ay hindi akin.
Walang magagawa kundi lumuha pag nagiisa, pag naaalala sya.
Pilit tinatago ng mga ngiti at halakhak ang mga kalungkutan na bumabalot sa akin.
Minsan iniisip ko, paano na ako pagnawala sya.
Hindi ko makakaya.
Pero alam ko ang mundo nya na wala ako, patuloy sa pagikot, patuloy ang buhay.
Mundo ko na wala sya. patuloy parin sa pagikot, ngunit mawawala ako.
Kasabay ng pagkawala ng aking hangin, at alam mo na ikaw iyon.
Sunday, March 9, 2008
Three Tear Trees
<..>: umiiyak ka ba?
<">: sino bang hindi
<..>: tuwing kailan?
<">: kung kailan kailangan...
<..>: kailan mo masasabing kailangan mong Umiyak?
<">: hindi mo kailanagn sabihin yon, nararamdaman yun eh. bago pa man gawin ang pagiyak mararamdaman mo muna ang pangangailangan dito, damay ang emosyon mo.
Emosyon ang magtutulak sayo, mga mata mo ang gagawa ng aksyon.
<..>: wala akong maintindihan.
<">: hindi mo maintindihan? Oo kasi Hindi ako ikaw. Iba ang pagiisip mo sa akin, ang sinabi ko ay sariling explenasyon. Sino ba ang may perpektong sagot sa lahat ng tanong. Pag ang isang tao ay tinanong, hindi sagot ang binibigay nya, Kundi ideya patungkol sa Tanong.
<..>: ...
<">: ano?
<..>: Malungkot ka ba?
<">: Oo, isa sya sa dahilan kung bakit ako umiiyak. Ngunit maari ka din umiyak kapag ikaw ay masaya. walang masama doon.Hindi ka paghihinalaan na nawawala sa pagiisip, natural lang yun.
<..>:Bakit ka malungkot ngayon.
<">:Maraming dahilan. mga kaguluhan sa bahay, ung nanay ko wala nang tiwala sakin, ung mga kaibigan ko nagkakagalit, natatakot ako na magkakaroon ng lamat ang samahan namin.
Natatakot ako na magtapos na ang aming pagkakaibigan.
<..>:Siguro kaya hindi ko maintindihan dahil hindi ako malungkot. Alam ko may kanya kanya tayong problema sa buhay, alam ko kailangan mo ng panahon para pagisipan yan, pero kailangan mo bang harapin yan magisa?
Andito ako. Hindi lang ako madami kami, kailanngan pa ba naming tanungin ka? sino-sino pa ba ang magtutulungan diba. magkakakilala na tayo wala na dapat tayong nililihim sa isat-isa alam mo naman na andito lang kami para sayo eh. Naghihintay lang kami para lapitan mo, ayaw naming lumabas na pakialamero. Pamilya tayo dito sa mundo na puno ng paghuhusga. wag kang magalala nasa lunga ka ng mga taong nagmamahal sayo.
Pinapangako ko sayo gagaan ang loob mo sa sandaling maglabas ka ng sama ng loob sa isang tao na pinagkakatiwalaan mo. Sana may panahon ka rin makinig sa sasabihin ng iba, paraan yun para mabalanse ang iyong pagiisip, hindi lang problema ang kaya mong isipin, hindi lang kalungkutan ang kaya mong sabihin.
Hindi lang kalungkutan ang dahilan kaya ka Umiiyak. :)
Monday, February 25, 2008
Waitign for the Bus
Iwian na!!
Nauna kaming dalawa, naghihintay ng masasakyan.
Binabasa ang kanyang isip. Hinihintay ang pagkakataon para masabi ang aking nararamdaman, hindi makakapaghintay ang habangbuhay para saakin.
Kailangan nang sabihin ngayon din.
Kinakabahan, Nalilito, Nagpipigil.
Sa wakas at nakapagbitaw din ako ng salita. Nagpasalamat ako, dahil nagkapiling kami. Masaya naman daw sya na kasama ako. Ako din, ngunit may kulang, may gusto pa akong idagdag. May gusto akong ipaalam sa kanya, gusto ko syang halikan sa pisngi, tanda ng pagpapaalam sa kanya. Ngunit di ko nasabi at nagawa.
Natatakot ako na baka iba ang kanyang isipin. Magbago ang kanyang nararamdaman at ako ay iwasan.
Takot, Naghihinayang, ngunit Masaya.
Eto ako habang naghihintay ng sasakyan.
. (period)
Malamig na Hangin... Mataas na Lugar... Magagandang Tanawin...
Nakikita at Nararamdaman mo ang mga ito kasama ang taong matagal mo nang gustong makasama.
Sya yung taong pilit mong binubura sa isip, tinatangal sa ala-ala, sasabihin mong ayaw mo na. Ngunit sa harap nya, wala kang magagawa kundi mapangiti dahil muli mong nasilayan ang kanyang mukha.
Muli mong naramdaman ang magkahalong saya at lunkot, Masaya dahil muli ay nandyan sya, makakusap, mapagmamasdan, mapapangarap. Ngunit alam mo na ang oras ay limitado, gustuhin mo man, hindi mo ito mapapatigil o mapapatakbo ng pabalik.
Malungkot diba?
Sa sandaling iyon. nakadungaw sa kawalan, kalaban ang malakas na hangin, katabi mo sya, Masayang-masaya, parang gusto mong itago ang iyong nararamdaman sa isang bote. Na kung kailan ikaw ay nalulungkot at naiisip sya. Bubuksan mo ang boteng iyon para muli mong maramdaman ang ligaya na iyong nadama kapiling sya.
Ngunit sa sandali ding iyon, alam mo na may iba syang iniisip. Hinihiling mo na sana matangay ng malakas na hangin ang mga ito kasabay na rin ang iyong mga pangamba.
Hindi pa parang may mali? May mali sa iyong nararamdaman.
Andyan sya. Nakakasama mo, di mo naman mahawakan ang kamay.
Andyan sya. Nakikita mo, di mo naman matitigan sa mata.
Andyan sya. Nakakusap mo, di mo naman masabing mahal mo sya.
Susuko ka ba? maari. Gusto mong kumapit sa nararamdaman mo para sa kanya, gusto mong maniwala na meron pang pag-asa. Kahit nakikita mo na wala na.
Totoo nga na nabubulag ka pag nagmahal. Wala kang nakikitang mali, wala kang nakikitang bawal. Gusto mo lang maniwala na ang lahat ito ay tama. Kahit ikaw lang ang nakakakita, ikaw lang ang nagtitiwala.
Sana matuto ang puso na tumingin muna sa hagdanan bago umakyat. Magtanong bago sumubok. Ano ba ang naghihntay sakin sa taas? Kung hindi ko ba susubukan ito may mawawala saakin?
Di ko alam kung pano tatapusin ito, pero isa lang ang alam ko... ayoko pang matapos ang pananaginip ko.
Sunday, February 10, 2008
Alone with Myself
Dumungaw ang Luha sa iyong mga mata,
Humalik sa mga Pisngi,
Nalasahan ang alat ng pagkabigo.
Di man mapigilan, di man maiiwasan,
Ang mga Luha mo ay nagbibigay ng kalungkutan sa mundo na iyong ginagalawan.
Ngunit sino ang makikinig sa iyo?
Sino ang pupunas ng iyong mga pighati?
Sino ang makakaalala na ikaw ay nandyan lang?
Naghihintay para mapansin at mahalin
Umiikot ang mundo na iyong inaapakan
Nakayapak ang mga pangarap na kasabay nito sa pagikot
Ngunit sino ka para tuparin ang mga ito?
May karapatan ka nga ba upang mangarap para sa iyong sarili at sa mundo?
Hindi malinaw ang katotohanan na iyong naaninag,
Ngunit nandyan ka pa rin para maniwala sa iyong kalayaan,
Kalayaan na ikaw lang ang nakakaalam
Sa kalayaang ito nagawa mong ngumiti,tumalon,lumangoy at lumipad.
Sa kalayaang ito na nagbigay sa iyo ng luha, sakit at kulungan.
Ngayon nandito ka sa aking harapan,
Pilit ikinukubli ang mga luha na lumulunod sa iyo
Ang sakit na nadarama mo, buong loob mong niyakap at tinangap
Dahil sa iyong pagkamababa, Ibibigay ko sa iyo ang kalayaang matagal ka nang nilisan.
Friday, February 8, 2008
Blanked Paper Bliss
Ang taong may pakana ng mga nakasulat dito ay maaari nating ihanay sa mga taong kakaiba ang takbo ng utak
Misteryoso pero hindi seryoso sa pananaw sa kanyang buhay,
Pilit hinahanap ang kanyang layunin kung bakit sya pinadala sa mundong ito, ngunit hindi alam kung saan maguumpisa.
Pinaniniwalaang sa oras na matupad nya ang layunin na iyon maari na syang pumanaw.
Malaki ang mundo pero kakayanin nyang maglakad upang matagpuan ang kanyang hinahanap
Maglalakad sya hanggang malibot nya ang buong mundo.
Maglalakad sya hanggang ang kanyang mga paa ay bumigay, at malagas.
Maglalakad sya hanggang makarinig sya ng tinig na nagsasabi sakanya upang magpahinga na.
Hindi sya takot mamatay,
Ngunit takot sya na mawala sa mundo ng walang naiiwan na alala sa mga tao.
Takot syang makalimutan ang mga nagawa nya para sa mundong ito.
Hindi nya kailangan maging bayani,
Magkaroon ng monumento,
Mailagay ang mukha sa salapi,
Pagaralan ang kanyang nakaraan.
Gusto nya lang na tumatak ang kanyang mga turo sa mga tao at maging daan ito para sa kanilang pagbabago. :)
Wednesday, February 6, 2008
Smiling Frown
Umibig ka na ba sa isang Ngiti?
Nakita mo ang kanyang tawa, at ikaw ay nalunod
mga matang hindi na halos makita, dahil sa pagkasingkit,
ay dumadagdag sa iyong pagkahumaling sa kanya.
Ang kanyang ngiti, tawa, at nakakakiliting halakhak.
Ay ang mga bagay na hindi makapagpatulog sa iyo sa gabi.
Pilit sumisiksik sa isipan, nagpapakita ng paulit-ulit,
Pabalik-balik, ngunit hindi kailan man pagsasawaan.
Nanaisin mong makita ang mga ngiting iyon araw-araw, gabi-gabi.
Ngiti na sasalubong sa iyong pagising sa umaga,
At syang magiging dahilan upang maging maganda ang iyong araw.
Ngiti na syang pinakahuli mong masisilayan bago ka matulog,
At syang magiging dahilan para ipagpatuloy ang buhay at muling gumising kinabukasan.
Ngunit hindi madaling gawin ang mga ito,
Mahirap magkatotoo, Imposible para sa kanila,
Sapagkat ang mga ngiti nya ay may nagmamayari ng iba.
Mahal mo sya, ngunit hindi iyon ang nararamdaman nya para sa iyo.
Walang ibang pag-asa para sya ay makapiling, makausap, makatawanan, at mahalin.
Tanging sa mga larawan nya lang makakasama ang kanyang mga ngiti,
Na aakalain mong tinatawag ka para yakapin.
Mga larawan na araw-araw mong pagmamasdan hanggang mabuo na sya sa iyong isipan.
Sa ganung paraan, hahawakan mo sya at di na papakawalan, papaibigin, at pakakaingatan ang kanyang mga ngiti na bumihag sa iyo.
Monday, February 4, 2008
Re:member Me
Mar 7 2007 04:36 of the time to be exact
I recieved this e-mail from my sister while im browsing at my school
I just want to share the feeling that i felt after reading this.
My Last Pitch
(Unknown Author)
I threw a pebble
To make a ripple by the lake
I threw a stone
To cause the glass to break
I threw pillows last night
To end tears over mistakes
I threw my hurt at you
To make you see what's true
I threw my past
To accept what could not last
I threw my all
To see my fall
I threw my self
To save what's left
I threw my life
To end the strife
I threw and threw
Until Im blue
I threw and threw
Until I can't get through
I threw and threw
Until I realized what I had to do
With outstretched arms, I made my last throw.
Lord, I am throwing all to you.
Subscribe to:
Posts (Atom)