Wednesday, February 6, 2008

Smiling Frown


Umibig ka na ba sa isang Ngiti?
Nakita mo ang kanyang tawa, at ikaw ay nalunod
mga matang hindi na halos makita, dahil sa pagkasingkit,
ay dumadagdag sa iyong pagkahumaling sa kanya.

Ang kanyang ngiti, tawa, at nakakakiliting halakhak.
Ay ang mga bagay na hindi makapagpatulog sa iyo sa gabi.
Pilit sumisiksik sa isipan, nagpapakita ng paulit-ulit,
Pabalik-balik, ngunit hindi kailan man pagsasawaan.

Nanaisin mong makita ang mga ngiting iyon araw-araw, gabi-gabi.
Ngiti na sasalubong sa iyong pagising sa umaga,
At syang magiging dahilan upang maging maganda ang iyong araw.
Ngiti na syang pinakahuli mong masisilayan bago ka matulog,
At syang magiging dahilan para ipagpatuloy ang buhay at muling gumising kinabukasan.

Ngunit hindi madaling gawin ang mga ito,
Mahirap magkatotoo, Imposible para sa kanila,
Sapagkat ang mga ngiti nya ay may nagmamayari ng iba.
Mahal mo sya, ngunit hindi iyon ang nararamdaman nya para sa iyo.

Walang ibang pag-asa para sya ay makapiling, makausap, makatawanan, at mahalin.
Tanging sa mga larawan nya lang makakasama ang kanyang mga ngiti,
Na aakalain mong tinatawag ka para yakapin.
Mga larawan na araw-araw mong pagmamasdan hanggang mabuo na sya sa iyong isipan.
Sa ganung paraan, hahawakan mo sya at di na papakawalan, papaibigin, at pakakaingatan ang kanyang mga ngiti na bumihag sa iyo.

No comments: