Tuesday, August 26, 2008
Frozen Will
Mula sa aking pagkaratay sa aking malamig na higaan,
Unti-unti kong nararamdaman ang panghihina ng aking katawan.
Ito na ang gabi, ilang sandali nalang at ako'y bibitiw na sa mundo.
Iiwan na ang aking may sakit na katawan,
Tuluyan nang magpapahinga ng habambuhay.
Sa aking paghihintay, nilingon ko ang aking nakaraan.
Muling binuhay ang mga ala-ala, aking mga masasaya at malulungkot na karanasan,
Mga tagumpay at pagkabigo. Akin itong binalikan.
Napatanong ako sa aking sarili. Namuhayba ako ng isang buhay na may halaga?
Kung ako man ay mawawala, maalala ba ako ng mundong ito?
Kasabay ng maingay na pagpatak ng ulan sa bubungan,
Pumatak ang luha ng kalungkutan sa aking unan.
Natatakot ako na lumisan ng walang naipapamana sa mundo.
Nangangamba ako na malaman na ako'y namuhay sa wala.
Sa aking pangangamba, nalimutan ko ang isang simpleng bagay na papanatag sa aking kalooban.
Napalingon ako sa aking tabi at nakita ang isang larawan. bigla kong naalala,
Na minsan sa buhay ko, nakilala kita.
Ang aking mga luha ay napalitan ng luha ng kaligayahan.
Dahil alam ko na dahil sayo, ang buhay ko ay may halaga.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment