Monday, February 25, 2008

. (period)


Malamig na Hangin... Mataas na Lugar... Magagandang Tanawin...
Nakikita at Nararamdaman mo ang mga ito kasama ang taong matagal mo nang gustong makasama.
Sya yung taong pilit mong binubura sa isip, tinatangal sa ala-ala, sasabihin mong ayaw mo na. Ngunit sa harap nya, wala kang magagawa kundi mapangiti dahil muli mong nasilayan ang kanyang mukha.
Muli mong naramdaman ang magkahalong saya at lunkot, Masaya dahil muli ay nandyan sya, makakusap, mapagmamasdan, mapapangarap. Ngunit alam mo na ang oras ay limitado, gustuhin mo man, hindi mo ito mapapatigil o mapapatakbo ng pabalik.
Malungkot diba?

Sa sandaling iyon. nakadungaw sa kawalan, kalaban ang malakas na hangin, katabi mo sya, Masayang-masaya, parang gusto mong itago ang iyong nararamdaman sa isang bote. Na kung kailan ikaw ay nalulungkot at naiisip sya. Bubuksan mo ang boteng iyon para muli mong maramdaman ang ligaya na iyong nadama kapiling sya.
Ngunit sa sandali ding iyon, alam mo na may iba syang iniisip. Hinihiling mo na sana matangay ng malakas na hangin ang mga ito kasabay na rin ang iyong mga pangamba.

Hindi pa parang may mali? May mali sa iyong nararamdaman.
Andyan sya. Nakakasama mo, di mo naman mahawakan ang kamay.
Andyan sya. Nakikita mo, di mo naman matitigan sa mata.
Andyan sya. Nakakusap mo, di mo naman masabing mahal mo sya.
Susuko ka ba? maari. Gusto mong kumapit sa nararamdaman mo para sa kanya, gusto mong maniwala na meron pang pag-asa. Kahit nakikita mo na wala na.
Totoo nga na nabubulag ka pag nagmahal. Wala kang nakikitang mali, wala kang nakikitang bawal. Gusto mo lang maniwala na ang lahat ito ay tama. Kahit ikaw lang ang nakakakita, ikaw lang ang nagtitiwala.

Sana matuto ang puso na tumingin muna sa hagdanan bago umakyat. Magtanong bago sumubok. Ano ba ang naghihntay sakin sa taas? Kung hindi ko ba susubukan ito may mawawala saakin?
Di ko alam kung pano tatapusin ito, pero isa lang ang alam ko... ayoko pang matapos ang pananaginip ko.

No comments: