Sunday, February 10, 2008

Alone with Myself

Nagiisa at lango sa kalungkutan
Dumungaw ang Luha sa iyong mga mata,
Humalik sa mga Pisngi,
Nalasahan ang alat ng pagkabigo.

Di man mapigilan, di man maiiwasan,
Ang mga Luha mo ay nagbibigay ng kalungkutan sa mundo na iyong ginagalawan.
Ngunit sino ang makikinig sa iyo?
Sino ang pupunas ng iyong mga pighati?
Sino ang makakaalala na ikaw ay nandyan lang?
Naghihintay para mapansin at mahalin

Umiikot ang mundo na iyong inaapakan
Nakayapak ang mga pangarap na kasabay nito sa pagikot
Ngunit sino ka para tuparin ang mga ito?
May karapatan ka nga ba upang mangarap para sa iyong sarili at sa mundo?

Hindi malinaw ang katotohanan na iyong naaninag,
Ngunit nandyan ka pa rin para maniwala sa iyong kalayaan,
Kalayaan na ikaw lang ang nakakaalam
Sa kalayaang ito nagawa mong ngumiti,tumalon,lumangoy at lumipad.
Sa kalayaang ito na nagbigay sa iyo ng luha, sakit at kulungan.

Ngayon nandito ka sa aking harapan,
Pilit ikinukubli ang mga luha na lumulunod sa iyo
Ang sakit na nadarama mo, buong loob mong niyakap at tinangap
Dahil sa iyong pagkamababa, Ibibigay ko sa iyo ang kalayaang matagal ka nang nilisan.

No comments: