Monday, November 10, 2008
Bilog ang Blog part II: Ang kwento ng Ubas
Natapos ang araw ng makita ko ang aking sarili sa tabing dagat,
Tahimik at malalim ang iniisip. Hindi ko mabitawan ang mga tanong sa aking isipan.
Nakita ako ng isang matanda na madalas napapasyal sa lugar na iyon.
Maganda ang tanawin dito sa tabing dagat, kung pagmamasdan mo ang paglubog ng araw sa tubig, nakakaluwag ito ng dib-dib. Lalo na sa mga bumibisita dito na may baong problema
Hindi ako nagsalita at sinagot siya ng isang bugtong hininga.
Lumapit sya sa akin at umupo sa aking tabi.
Alam ko may dinaramdam ka, hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo ang sistma ng mundo, para sa iyo at sa atin.
Bago pa man siya ulit nagsalita, naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking balikat.
Sa isang Prutasan, ang mga prutas ay nabubukod ayon sa kanilang uri.
Magkahiwalay ang Mansanas sa Ubas, Gayun narin ang iba pang prutas.
Isipin mo nalang, isa kang ubas. At ang iba ay mansanas,
Mayroon kang lugar na kung saan ka dapat nakalugar.
Isang kumpol ng Ubas at isang kumpol ng Mansanas.
Parehong masarap, pero kahit saang angulo mo tignan, Ubas ka parin.
Wala kang dapat kaingitan dahil balanse ang lahat ng bagay.
Bilog ang Mundo, Lahat ng tao nakakakita ng araw,
Lahat nakakaramdam ng Dilim.
Hindi mo kailangang maingit sa mansanas dahil pareho lang kayong Prutas.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment