Tuesday, March 11, 2008
I shouldn't stay & showed what I mean
Laging nakatingin sa kanya, tinitigigan ang lahat ng detayle sa kanyang mukha.
Binubuhay sya sa aking isip, binubuo sya sa aking panaghinip.
Nangangarap na mahal nya rin ako.
Kahit sa aking sarili lang.
Ako lang ang nakakaalam.
Padating ng kalungkutan, aalalahanin ang kanyang mga ngiti.
Maiidlip sa kanyang mga salita na paulit-ulit kong naririnig.
Habang kapiling sya, Mundo ko ay nagbabago.
Mas madaling Himinga, mas makulay ang bahaghari, mas malamig ang mga ilog, mas matingkad ang araw, at mas masaya dahil kapiling ko sya.
Ngunit hindi araw-araw, oras-oras nananaghinip ako.
Kailangan ding mabuhay sa mundong aking ginagalawan.
Harapin ang katotohanan na siya ay hindi akin.
Walang magagawa kundi lumuha pag nagiisa, pag naaalala sya.
Pilit tinatago ng mga ngiti at halakhak ang mga kalungkutan na bumabalot sa akin.
Minsan iniisip ko, paano na ako pagnawala sya.
Hindi ko makakaya.
Pero alam ko ang mundo nya na wala ako, patuloy sa pagikot, patuloy ang buhay.
Mundo ko na wala sya. patuloy parin sa pagikot, ngunit mawawala ako.
Kasabay ng pagkawala ng aking hangin, at alam mo na ikaw iyon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment