Saturday, April 18, 2009

Voltes V, lima sila

Magulo ang isip. Hindi makapag pasya.
Hindi maiwasang isipin, at pagdudahan.
Mahal ba nya talaga ako?
Iba ang kanyang sinasabi sa kanyang pinapakita.
At sa huli, sya ang may hawak ng puso ko.

Mahal ko sya,
Hindi ko alam kung mahal nya ako.
Naguusap kami,
Hindi ko alam kung gusto nya ako kausapin.
Masaya ako sa kanya,
Hindi ko alam kung napipilitan lang sya.
At sa huli, Naghihintay lang ako.

Mahal ko sya,
Sabi nya hindi nya ako mahal.
Meron syang iba,
Pero ano itong pag-asang kanyang pinapakita?
Papalapitin ako, ngunit papalayuin din.
At sa huli, Alam kong hindi sya ang para sa akin.

Mahal ko sya,
Tinanong ko sya kung mahal nya ako. Hindi sya sumagot.
Pinapakita kong mahal ko sya,
Hinahayaan nya lang ako.
Anu ba ang talagang nararamdaman nya?
At sa huli, alam kong masaya sya ngayun.

Hindi ko sya mahal,
Hindi ako sigurado. Masyado pang maaga para magsalita.
Mukha naman syang mabait, at mamahalin ako.
Ayoko munang ipagkatiwala ito.
At sa huli, sana maghintay sya sa akin.

No comments: