Friday, June 20, 2008

This is We, (before)




Madaling araw na ako nakauwi galing labas,
Kasama ko ung matalik kong kaibigan, nagpaikot-ikot sa lansangan.
May pasok pa ako, pano na yan?
Higa na ako kelangan matulog kahit konting oras.

Sa aking paghiga may narinig akong nagsalita,
Inisip kung sino, napagalamang sa loob ng silid ito nanggagaling,
Boses Ni kiks, naalala ko sa kanya yung boses na yon.
Matagal tagal ko na rin di naririnig ung boses nya.

Weird, kasi magkasama kami sa bahay pero matagal kong hindi narinig boses nya
Hindi ko rin kasi pwedeng pigilan na marinig iyon,
Nabubuo sa isipan ko kung ano ung rection ng kanyang mukha habang nagsasalita,
Nakangiti, Singkit ang mata at nakatawa, ang tagal kong hindi nakita si kiks na ganyan.

Antagal ko nang hindi naririnig ung mga kataga nya na "kamusta?", "kumain ka na ba?"
ung pangungulit nya na "o kamusta boss mo?" nakakatuwa isipin, nakakatuwa alalahanin.
Ngunit nakakalungkot na hanggang ala-ala na lang yun,
Wag sana

Hindi ko alam kung bakit kami nagkaganito, kung bakit biglang may nawala sa amin.
Patuloy akong nagiisip kung ano nga bang nangyari?
Kung ano ba ang problema? kasi kung malaman ko, gagawin ko ang lahat para maayos ito.
Hindi ako manghuhula, paano ko malalaman kung walang gustong magsalita?

Alam mo ba ung pakiramdam na nagtatanong ka sa sarili mo?
Pero paano mo masasagot, kung wala kang alam sa detalye ng tanong mo?
Gusto mo syang tanungin, ngunit pinigilan mo ang iyong sarili, ayaw mong lumaki ang gulo.
Hanggang kelan ka magiging ganito?

(naalala ko minsan tinawag ko syang anghel)