Monday, November 10, 2008

Bilog ang Blog part II: Ang kwento ng Ubas


Natapos ang araw ng makita ko ang aking sarili sa tabing dagat,
Tahimik at malalim ang iniisip. Hindi ko mabitawan ang mga tanong sa aking isipan.
Nakita ako ng isang matanda na madalas napapasyal sa lugar na iyon.

Maganda ang tanawin dito sa tabing dagat, kung pagmamasdan mo ang paglubog ng araw sa tubig, nakakaluwag ito ng dib-dib. Lalo na sa mga bumibisita dito na may baong problema

Hindi ako nagsalita at sinagot siya ng isang bugtong hininga.
Lumapit sya sa akin at umupo sa aking tabi.

Alam ko may dinaramdam ka, hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo ang sistma ng mundo, para sa iyo at sa atin.

Bago pa man siya ulit nagsalita, naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking balikat.

Sa isang Prutasan, ang mga prutas ay nabubukod ayon sa kanilang uri.
Magkahiwalay ang Mansanas sa Ubas, Gayun narin ang iba pang prutas.

Isipin mo nalang, isa kang ubas. At ang iba ay mansanas
,
Mayroon kang lugar na kung saan ka dapat nakalugar.
Isang kumpol ng Ubas at isang kumpol ng Mansanas
.
Parehong masarap, pero kahit saang angulo mo tignan, Ubas ka parin.

Wala kang dapat kaingitan dahil balanse ang lahat ng bagay.
Bilog ang Mundo, Lahat ng tao nakakakita ng araw,
Lahat nakakaramdam ng Dilim.

Hindi mo kailangang maingit sa mansanas dahil pareho lang kayong Prutas.

Past is Fast

Sandali lang kumurap, di ko na makapa,
Hindi na maramdaman ang kanyang hangin.
Sandali lang Bumiling ang paningin,
Hindi ko na maaninag ang kanyang anino.

Biglang naglaho, Biglang nagsawa.
Walang rason, naiwan ay ang mga tanong.
Habang inaalala ang kahapon.

Sandaling tumigil ang mundo ko, akala ko hindi na ito magbabago.
Sabihin ko mang hindi na, sabihin ko man na ayaw ko na,
Itago ko man, hindi ko maikakaila.
Ikaw parin ang mahal.

Sa isang tawag mo lang, babalik at babalik parin,
Ang aking pagmamahal para sa iyo.

Tama ba ako?

Bilog ang Blog part I: Mareklamong Indibidwal


Kailan ba ako magsasawa kakareklamo tungkol s aking buhay?
Pareho lang naman tayong anak ng diyos.
Pero bakit ganun? Parang ako lagi ang Talo?
Ako lagi ang Huli? Ako lagi ang Naiingit?

Hindi ko maintindihan,
Hindi ko makita, kung ano pa ba ang kulang o mali sa akin,
Sabihin nyo na, kasi malapit na akong sumuko.
Oo, maniwala kayo, malapit na.

Hindi kaya pinipilit ko lang ang sarili ko sa isang bagay na hindi akin?

Ngayon alam ko na,
Ito ay kaso ng isang malaking pagkaingit.
Anong Magagawa ko?