Tuesday, March 11, 2008

I shouldn't stay & showed what I mean


Laging nakatingin sa kanya, tinitigigan ang lahat ng detayle sa kanyang mukha.
Binubuhay sya sa aking isip, binubuo sya sa aking panaghinip.
Nangangarap na mahal nya rin ako.
Kahit sa aking sarili lang.
Ako lang ang nakakaalam.

Padating ng kalungkutan, aalalahanin ang kanyang mga ngiti.
Maiidlip sa kanyang mga salita na paulit-ulit kong naririnig.
Habang kapiling sya, Mundo ko ay nagbabago.
Mas madaling Himinga, mas makulay ang bahaghari, mas malamig ang mga ilog, mas matingkad ang araw, at mas masaya dahil kapiling ko sya.

Ngunit hindi araw-araw, oras-oras nananaghinip ako.
Kailangan ding mabuhay sa mundong aking ginagalawan.
Harapin ang katotohanan na siya ay hindi akin.
Walang magagawa kundi lumuha pag nagiisa, pag naaalala sya.
Pilit tinatago ng mga ngiti at halakhak ang mga kalungkutan na bumabalot sa akin.

Minsan iniisip ko, paano na ako pagnawala sya.
Hindi ko makakaya.
Pero alam ko ang mundo nya na wala ako, patuloy sa pagikot, patuloy ang buhay.
Mundo ko na wala sya. patuloy parin sa pagikot, ngunit mawawala ako.
Kasabay ng pagkawala ng aking hangin, at alam mo na ikaw iyon.

Sunday, March 9, 2008

Three Tear Trees


<..>: umiiyak ka ba?
<">: sino bang hindi
<..>: tuwing kailan?
<">: kung kailan kailangan...
<..>: kailan mo masasabing kailangan mong Umiyak?
<">: hindi mo kailanagn sabihin yon, nararamdaman yun eh. bago pa man gawin ang pagiyak mararamdaman mo muna ang pangangailangan dito, damay ang emosyon mo.
Emosyon ang magtutulak sayo, mga mata mo ang gagawa ng aksyon.
<..>: wala akong maintindihan.
<">: hindi mo maintindihan? Oo kasi Hindi ako ikaw. Iba ang pagiisip mo sa akin, ang sinabi ko ay sariling explenasyon. Sino ba ang may perpektong sagot sa lahat ng tanong. Pag ang isang tao ay tinanong, hindi sagot ang binibigay nya, Kundi ideya patungkol sa Tanong.
<..>: ...
<">: ano?
<..>: Malungkot ka ba?
<">: Oo, isa sya sa dahilan kung bakit ako umiiyak. Ngunit maari ka din umiyak kapag ikaw ay masaya. walang masama doon.Hindi ka paghihinalaan na nawawala sa pagiisip, natural lang yun.
<..>:Bakit ka malungkot ngayon.
<">:Maraming dahilan. mga kaguluhan sa bahay, ung nanay ko wala nang tiwala sakin, ung mga kaibigan ko nagkakagalit, natatakot ako na magkakaroon ng lamat ang samahan namin.
Natatakot ako na magtapos na ang aming pagkakaibigan.
<..>:Siguro kaya hindi ko maintindihan dahil hindi ako malungkot. Alam ko may kanya kanya tayong problema sa buhay, alam ko kailangan mo ng panahon para pagisipan yan, pero kailangan mo bang harapin yan magisa?
Andito ako. Hindi lang ako madami kami, kailanngan pa ba naming tanungin ka? sino-sino pa ba ang magtutulungan diba. magkakakilala na tayo wala na dapat tayong nililihim sa isat-isa alam mo naman na andito lang kami para sayo eh. Naghihintay lang kami para lapitan mo, ayaw naming lumabas na pakialamero. Pamilya tayo dito sa mundo na puno ng paghuhusga. wag kang magalala nasa lunga ka ng mga taong nagmamahal sayo.
Pinapangako ko sayo gagaan ang loob mo sa sandaling maglabas ka ng sama ng loob sa isang tao na pinagkakatiwalaan mo. Sana may panahon ka rin makinig sa sasabihin ng iba, paraan yun para mabalanse ang iyong pagiisip, hindi lang problema ang kaya mong isipin, hindi lang kalungkutan ang kaya mong sabihin.
Hindi lang kalungkutan ang dahilan kaya ka Umiiyak. :)