Sunday, September 7, 2008

Just for a thought


Kung ang mundo man ay matatapos bukas,
At ngayon ang araw ng paghuhusga.
Kung tatanungin ako ng panginoon kung anong ginawa ko sa aking buhay sa lupa,
Sasabihin ko na nabuhay ako kasama ka.

Sakali mang ako ay maligaw sa magulong mundong ito,
At aking nararamdaman ang pangangailangan na makapiling ka,
Ipipikit ko ang aking mata, hahayaan na ang puso ang magturo ng daan,
Dahil alam ko na sa'yo ang tahanan na aking uuwian.

At kahit na dumaan ang mga araw sa atin,
Sabay tayong tatanda kasama ng panahon.
Sa ating mga mata, mananatili tayong bata at masigla.

Sakali mang ikaw ay maiwang nagiisa at nilalamig sa ulan,
Alam mong hindi ko kayang alisin ang unos ng iyong mga problema.
Ngunit, asahan mo na ako ay yayakap sa'yo,
Sasamahan ka hanggang sa muling pagsikat ng araw sa iyo.

Kung ikaw man ay nasaktan at natatakot nang muling umibig,
Isipin mo man na ang buong mundo ay hindi nakakaintindi sa'yo.
Gusto ko lang malaman mo, andito lang ako handang makisalo sa sakit na nararamdaman mo.