Monday, February 25, 2008
Waitign for the Bus
Iwian na!!
Nauna kaming dalawa, naghihintay ng masasakyan.
Binabasa ang kanyang isip. Hinihintay ang pagkakataon para masabi ang aking nararamdaman, hindi makakapaghintay ang habangbuhay para saakin.
Kailangan nang sabihin ngayon din.
Kinakabahan, Nalilito, Nagpipigil.
Sa wakas at nakapagbitaw din ako ng salita. Nagpasalamat ako, dahil nagkapiling kami. Masaya naman daw sya na kasama ako. Ako din, ngunit may kulang, may gusto pa akong idagdag. May gusto akong ipaalam sa kanya, gusto ko syang halikan sa pisngi, tanda ng pagpapaalam sa kanya. Ngunit di ko nasabi at nagawa.
Natatakot ako na baka iba ang kanyang isipin. Magbago ang kanyang nararamdaman at ako ay iwasan.
Takot, Naghihinayang, ngunit Masaya.
Eto ako habang naghihintay ng sasakyan.
. (period)
Malamig na Hangin... Mataas na Lugar... Magagandang Tanawin...
Nakikita at Nararamdaman mo ang mga ito kasama ang taong matagal mo nang gustong makasama.
Sya yung taong pilit mong binubura sa isip, tinatangal sa ala-ala, sasabihin mong ayaw mo na. Ngunit sa harap nya, wala kang magagawa kundi mapangiti dahil muli mong nasilayan ang kanyang mukha.
Muli mong naramdaman ang magkahalong saya at lunkot, Masaya dahil muli ay nandyan sya, makakusap, mapagmamasdan, mapapangarap. Ngunit alam mo na ang oras ay limitado, gustuhin mo man, hindi mo ito mapapatigil o mapapatakbo ng pabalik.
Malungkot diba?
Sa sandaling iyon. nakadungaw sa kawalan, kalaban ang malakas na hangin, katabi mo sya, Masayang-masaya, parang gusto mong itago ang iyong nararamdaman sa isang bote. Na kung kailan ikaw ay nalulungkot at naiisip sya. Bubuksan mo ang boteng iyon para muli mong maramdaman ang ligaya na iyong nadama kapiling sya.
Ngunit sa sandali ding iyon, alam mo na may iba syang iniisip. Hinihiling mo na sana matangay ng malakas na hangin ang mga ito kasabay na rin ang iyong mga pangamba.
Hindi pa parang may mali? May mali sa iyong nararamdaman.
Andyan sya. Nakakasama mo, di mo naman mahawakan ang kamay.
Andyan sya. Nakikita mo, di mo naman matitigan sa mata.
Andyan sya. Nakakusap mo, di mo naman masabing mahal mo sya.
Susuko ka ba? maari. Gusto mong kumapit sa nararamdaman mo para sa kanya, gusto mong maniwala na meron pang pag-asa. Kahit nakikita mo na wala na.
Totoo nga na nabubulag ka pag nagmahal. Wala kang nakikitang mali, wala kang nakikitang bawal. Gusto mo lang maniwala na ang lahat ito ay tama. Kahit ikaw lang ang nakakakita, ikaw lang ang nagtitiwala.
Sana matuto ang puso na tumingin muna sa hagdanan bago umakyat. Magtanong bago sumubok. Ano ba ang naghihntay sakin sa taas? Kung hindi ko ba susubukan ito may mawawala saakin?
Di ko alam kung pano tatapusin ito, pero isa lang ang alam ko... ayoko pang matapos ang pananaginip ko.
Sunday, February 10, 2008
Alone with Myself
Dumungaw ang Luha sa iyong mga mata,
Humalik sa mga Pisngi,
Nalasahan ang alat ng pagkabigo.
Di man mapigilan, di man maiiwasan,
Ang mga Luha mo ay nagbibigay ng kalungkutan sa mundo na iyong ginagalawan.
Ngunit sino ang makikinig sa iyo?
Sino ang pupunas ng iyong mga pighati?
Sino ang makakaalala na ikaw ay nandyan lang?
Naghihintay para mapansin at mahalin
Umiikot ang mundo na iyong inaapakan
Nakayapak ang mga pangarap na kasabay nito sa pagikot
Ngunit sino ka para tuparin ang mga ito?
May karapatan ka nga ba upang mangarap para sa iyong sarili at sa mundo?
Hindi malinaw ang katotohanan na iyong naaninag,
Ngunit nandyan ka pa rin para maniwala sa iyong kalayaan,
Kalayaan na ikaw lang ang nakakaalam
Sa kalayaang ito nagawa mong ngumiti,tumalon,lumangoy at lumipad.
Sa kalayaang ito na nagbigay sa iyo ng luha, sakit at kulungan.
Ngayon nandito ka sa aking harapan,
Pilit ikinukubli ang mga luha na lumulunod sa iyo
Ang sakit na nadarama mo, buong loob mong niyakap at tinangap
Dahil sa iyong pagkamababa, Ibibigay ko sa iyo ang kalayaang matagal ka nang nilisan.
Friday, February 8, 2008
Blanked Paper Bliss
Ang taong may pakana ng mga nakasulat dito ay maaari nating ihanay sa mga taong kakaiba ang takbo ng utak
Misteryoso pero hindi seryoso sa pananaw sa kanyang buhay,
Pilit hinahanap ang kanyang layunin kung bakit sya pinadala sa mundong ito, ngunit hindi alam kung saan maguumpisa.
Pinaniniwalaang sa oras na matupad nya ang layunin na iyon maari na syang pumanaw.
Malaki ang mundo pero kakayanin nyang maglakad upang matagpuan ang kanyang hinahanap
Maglalakad sya hanggang malibot nya ang buong mundo.
Maglalakad sya hanggang ang kanyang mga paa ay bumigay, at malagas.
Maglalakad sya hanggang makarinig sya ng tinig na nagsasabi sakanya upang magpahinga na.
Hindi sya takot mamatay,
Ngunit takot sya na mawala sa mundo ng walang naiiwan na alala sa mga tao.
Takot syang makalimutan ang mga nagawa nya para sa mundong ito.
Hindi nya kailangan maging bayani,
Magkaroon ng monumento,
Mailagay ang mukha sa salapi,
Pagaralan ang kanyang nakaraan.
Gusto nya lang na tumatak ang kanyang mga turo sa mga tao at maging daan ito para sa kanilang pagbabago. :)
Wednesday, February 6, 2008
Smiling Frown
Umibig ka na ba sa isang Ngiti?
Nakita mo ang kanyang tawa, at ikaw ay nalunod
mga matang hindi na halos makita, dahil sa pagkasingkit,
ay dumadagdag sa iyong pagkahumaling sa kanya.
Ang kanyang ngiti, tawa, at nakakakiliting halakhak.
Ay ang mga bagay na hindi makapagpatulog sa iyo sa gabi.
Pilit sumisiksik sa isipan, nagpapakita ng paulit-ulit,
Pabalik-balik, ngunit hindi kailan man pagsasawaan.
Nanaisin mong makita ang mga ngiting iyon araw-araw, gabi-gabi.
Ngiti na sasalubong sa iyong pagising sa umaga,
At syang magiging dahilan upang maging maganda ang iyong araw.
Ngiti na syang pinakahuli mong masisilayan bago ka matulog,
At syang magiging dahilan para ipagpatuloy ang buhay at muling gumising kinabukasan.
Ngunit hindi madaling gawin ang mga ito,
Mahirap magkatotoo, Imposible para sa kanila,
Sapagkat ang mga ngiti nya ay may nagmamayari ng iba.
Mahal mo sya, ngunit hindi iyon ang nararamdaman nya para sa iyo.
Walang ibang pag-asa para sya ay makapiling, makausap, makatawanan, at mahalin.
Tanging sa mga larawan nya lang makakasama ang kanyang mga ngiti,
Na aakalain mong tinatawag ka para yakapin.
Mga larawan na araw-araw mong pagmamasdan hanggang mabuo na sya sa iyong isipan.
Sa ganung paraan, hahawakan mo sya at di na papakawalan, papaibigin, at pakakaingatan ang kanyang mga ngiti na bumihag sa iyo.
Monday, February 4, 2008
Re:member Me
Mar 7 2007 04:36 of the time to be exact
I recieved this e-mail from my sister while im browsing at my school
I just want to share the feeling that i felt after reading this.
My Last Pitch
(Unknown Author)
I threw a pebble
To make a ripple by the lake
I threw a stone
To cause the glass to break
I threw pillows last night
To end tears over mistakes
I threw my hurt at you
To make you see what's true
I threw my past
To accept what could not last
I threw my all
To see my fall
I threw my self
To save what's left
I threw my life
To end the strife
I threw and threw
Until Im blue
I threw and threw
Until I can't get through
I threw and threw
Until I realized what I had to do
With outstretched arms, I made my last throw.
Lord, I am throwing all to you.
Subscribe to:
Posts (Atom)