Tuesday, August 26, 2008

Bagong Bunga


May nakikita akong bagong pag-asa para sa akin.
Sa aking Trabaho,
Sa aking Pag-ibig,
At sa aking Pagbabago.

Natatanaw ko na ang bunga,
Wala lang akong makitang sanga para ito ay makuha.
Walang kasiguraduhan, kung hinog o bulok na ito.
Ngunit tataya ako, ito lang ang aking nakikitang paraan.

Hindi maiwasang abangan na kusang mahulog ito para sa akin.
Alam kong mali, ngunit hindi ko alam kung paano tutulungan ang sarili.

Hindi ako mawawalan ng pag-asa,
Dahil alam ko na may isang tao na mag-aabot sa akin akin ng sanga,
Iaalok ang kanyang mga balikat,
Na aking matutungtungan upang maabot ang aking bunga.

Frozen Will


Mula sa aking pagkaratay sa aking malamig na higaan,
Unti-unti kong nararamdaman ang panghihina ng aking katawan.
Ito na ang gabi, ilang sandali nalang at ako'y bibitiw na sa mundo.
Iiwan na ang aking may sakit na katawan,
Tuluyan nang magpapahinga ng habambuhay.

Sa aking paghihintay, nilingon ko ang aking nakaraan.
Muling binuhay ang mga ala-ala, aking mga masasaya at malulungkot na karanasan,
Mga tagumpay at pagkabigo. Akin itong binalikan.

Napatanong ako sa aking sarili. Namuhayba ako ng isang buhay na may halaga?
Kung ako man ay mawawala, maalala ba ako ng mundong ito?

Kasabay ng maingay na pagpatak ng ulan sa bubungan,
Pumatak ang luha ng kalungkutan sa aking unan.
Natatakot ako na lumisan ng walang naipapamana sa mundo.
Nangangamba ako na malaman na ako'y namuhay sa wala.

Sa aking pangangamba, nalimutan ko ang isang simpleng bagay na papanatag sa aking kalooban.
Napalingon ako sa aking tabi at nakita ang isang larawan. bigla kong naalala,
Na minsan sa buhay ko, nakilala kita.
Ang aking mga luha ay napalitan ng luha ng kaligayahan.
Dahil alam ko na dahil sayo, ang buhay ko ay may halaga.

Friday, August 22, 2008

Pagbangon...

Gusto kong bumalik, gustong muli na mabuhay sa mundo ko.
Muling itong paikutin, muli itong bigyan ng kulay.
Magsimula sa mga bagay na meron ako ngayon,
Pagyamanin ang aking natitirang biyaya.

Gusto kong bumangon, tumayo muli sa tuyong lupa.
Mabigyan ng bagong lakas.
Maintindihan ang aking paghihirap.
Gamitin sa positibong pag-iisip.

Gusto kong mamulat, makita ang aking mga mali.
Matuto mula sa mga mali na iyon.
Hindi ko sila kakalimutan,
Bagkus gagawin ko silang mga aral.

Gusto kong manalig muli, itaas ang aking kamay ng malaya.
Huminga ng malalim at isigaw sa mundo ang aking mga pangarap.
Huminga sa hangin na sariling akin.
Hayaang makita ang bukas na nakaabang sa akin.

Gusto kong lumipad, malayong malayo sa lugar na aking kinalagyan.
Humanap ng lugar upang ipahinga ang aking mga sugat.
Mga sugat na maghihilom ngunit magiiwan ng ala-ala.
Akin itong lilingunin, ngunit iiwasang ulitin.

Gusto kong mahimlay, tahimik ang isipan.
Panatag na na-i-ayos ko na ang mga bagay na minsan nagdulot ng aking pagbagsak.
Minsan sa aking buhay ako ay nakitaan ng kahinaan,
Ngunit andito ako ngayon, nakatingala sa mundo.

Handa nang magpahinga mula sa malayo at nakakapagod kong paglalakbay.

Sa aking Pag-gising


Sa aking pag-gising,
Nagbabago ang aking mundo.
Nawawala ang mga bango ng bulaklak,
Aalingasaw ang usok ng siyudad.

Tatahimik ang mga pipit sa aking paligid,
Magigising sa ingay ng mga sasakyan.
Kukupas ang kulay g bahaghari,
Mamumulat sa lumang pintura ng ding-ding sa aking silid.

Kasabay ng kanilang paglisan,
Magkakalas ang ating mga kamay mula sa pagkahawak sa isat-isa.
Muli, magdidilim ang iyong mukha,
Kasabay ng pagiwanag ng bagong umaga.

Ngunit hindi ako malulungkot.
Sapagkat alam ko na magbabalik ka sa akin,
Sa pagyakap ng dilim.

Bakuran


Natagpuan ko ang pag-ibig,
Ngunit hindi ako tiyak kung ito ang hanap ko.
Natagpuan ko ang pagmamahal,
Ngunit hindi ko alam kung magiging totoo ito sa akin.

Natagpuan ko ang pagkalinga,
Ngunit natatakot ako na masaktan pa ng iba.
Natagpuan ko ang mga ala-ala,
Na akin nang ikinahon para sa bagong umaga.

Natagpuan ko siya,
Walang kaalam-alam sa aking mga nararamdaman.
Natagpuan ko ang aking puso,
Napupuno ng pag-asa at galak.

Natagpuan ko ang aking sarili,
Nagising na sa aking panaginip.
Eto ako ngayon,
Nagiisa, Ngunit masaya.
Masaya sa pagpapanggap na akoy ay iibigin mo pa.

Saturday, August 9, 2008

Its the Feeling


Nabuhay na muli ang aking pagtingin sa kanya.
Hindi man sinasadya,muling dumaloy ang mga luha,
Dala-dala ang mga nakaraan.

Naalalala ko minsan sinabi ko ayoko na.
Pero heto na naman ako, umiibig na naamn sa iyo.
Hindi rin madali na kalimutan ka,
Ginawa ko naman ang lahat ng aking makakaya,
Ngunit ikaw lang talaga ang aking nakikita.

Mula ng umalis ka, nagiwan ka ng malaking puwang sa aking puso.
At alam kong ikaw lang ang makakapuno.
Ano man ang sabihin ng iba,
Hindi ito makakapagbago ng nararamdaman ko para sa iyo.

Tingin ko wala na akong magagawa,
Ikaw lang talaga ang mahal ko.
Kahit ano pa ang mangyari sa atin,
Hindi ka mawawalan ng lugar dito sa aking puso.